

Ako po si John Mark M. Sison, isang katutubong Aeta, miyembro ng ayta mag-antsi na nakatira sa Sitio Monicayo, Barangay Calumpang, Mabalacat City Pampanga. Ako ay nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in Values Education sa Saint Anthony College of Technology.
First take ko po noong Sept. 2018. Hindi po ako pinalad noong unang exam dala ng pressure, kaba at kawalan ng tiwala sa sarili. Ngunit hindi natapos dun ang pangarap ko. Nagtake ulit ako, nagpursige, nagreview, nagbasa nang nagbasa, at nagdasal nang nagdasal. Akala ko po noon wala na akong pag-asa; akala ko hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko; akala ko wala nang patutunguhan ang buhay ko. Nawalan ako ng pag-asa. Pati mga magulang ko, madalas umiyak, tulala, stress, halos sumuko na dahil na rin sa pandemya.
Ako ay dalawang taong naghintay, ngunit sa kabila ng mga pagsubok, sa pangalawang take, ako po ay mas lalong nagpursige, nagtiyaga at nangarap. Dahil ito sa Carl E. Balita Review Center (CBRC) na siyang bumuo muli sa tiwala ko sa sarili at siyang nagpalakas ng aking loob. Madalas mang ibinababa ang pagkatao ko bilang katutubo, hindi pa rin ako sumuko—patuloy pa rin akong lumalaban. Nang dahil sa CBRC, binigyan ulit ako ng pag-asa.
“Sa kabila ng problema at unos, huwag kayong susuko. Laban lang nang laban. Ipagpatuloy ang pangarap.” Iyan ang ilan sa mga natutunan ko sa CBRC. Review lang nang review, walang tigil na pagbasa, at makinig sa CBRC lecturers especially kina Sir Carl, Sir Janus, Sir Prince, Ma’am Iah, Sir Rey at iba pang CBRC lecturers.
Ngayon ako’y nakapasa bilang batch January 2022 LET taker.
Kaya sa mga katutubong katulad ko: huwag kayong mawalan ng pag-asa, magtiwala sa sarili, everything happens for a reason, mangarap nang mangarap, magpatuloy sa iyong pangarap, huwag susuko, laban lang nang laban, review nang review, at walang tigil na pagdarasal” – To God be the Glory! Papasa ka!