October 2, 2023

I AM ARIEL M. AQUINO 42 YEARS OLD, graduated Bachelor of Elementary Education at Rizal College of Taal, Taal Batangas year March 2004. I am currently teaching at Servite Catholic School- Laurel Batangas. I took my Masters of Arts in Education Major in Social Studies at Golden Gate Colleges- Batangas City and graduated last November 2019.  I am a Senior High School Coordinator, Academic Coordinator, and LIS coordinator of the Servite Catholic School. I have been in the service for 15 years.

   Outstanding Performance as Coach/Mentor of Cooperative Quiz Bee Regional Level, Outstanding Teacher Laurel District, Laurel, Batangas, and Bronze Service Award Boy Scout of The Philippines— iyan ay ilan lamang sa mga awards na aking natanggap.

   Pangarap kong maging isang Mahusay at Mabuting guro– pangarap ko lang yan dahil imposibleng mangyari sa isang tulad ko na na ang pamilya ay isang kahig, isang tuka. Ganon pa man ang aming katayuan sa buhay, pinilit ko pa ring magpursige sa aking pag-aaral. Nong ako ay nasa high school, ako ay nanirahan sa aking lola sa kabayanan upang makapagtapos ng pag-aaral kapalit ng pag-aalaga ng baboy at paggawa ng walis upang ibenta sa palenke tuwing araw ng Martes at Biyernes. Ito ay upang may pambaon at panggastos ako sa aking pag-aaral. Dahil sa sipag, tiyaga at pagsusumikap ko sa pag-aaral, nakakuha ako ng matataas na marka na naging daan upang makapasok ako bilang scholar ni Gobernor Hermilando I. Mandanas.

     Taong 2000, ako pumasok ng kolehiyo sa Rizal College of Taal. Tanda ko pa noon ang sabi sa akin ng aking tatay na kung hindi maestro ang kukunin, huwag na raw akong pumasok. Pangarap din ng tatay ko at ng aking nanay na makapagtapos ako ng aking pag-aaral sa kursong Bachelor of Elementary Education kung kaya naman pinagbuti ko ang aking pag-aaral. Nakapagtapos ako ng aking pag-aaral dahil sa scholarships na aking natanggap. March 2004—ako ay nakapagtapos sa kolehiyo.

   Simula 2004, nagtake na ako ng LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS (LET) dala ang pag-asa na makakapasa. Unang sabak ko, bagsak ako. Kumuha ulit ako noong 2005, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011, 2012, 2013, 2014, 2015, 2016, 2017, 2018, 2019. Sa 15 taong kumukuha ako ng LET, dalawang beses kada taon, ay naka-30 beses ako na nag FAILED. Ang tanging dala ko lang na bala sa pagkuha ng exam ay DASAL. Wala akong review center sa mga panahon na iyon. Tiwala naman ako sa sarili na papasa ako dahil alam ko naman ang mga sagot sa tanong, pero sad to say FAILED pa rin ang result ng exam. May mga panahon na nawalan na ako ng pag-asa na papasa pa sa Board Exam dahil napag-iwanan na ako ng bagong Curriculum. Nanriyan ang sunud-sunod na problema na dumating sa buhay ko. Dumating ang panahong nagkasakit ang tatay ko at sabay pa ako na kukuha ng BOARD EXAM. Hiling ko sa DIYOS na gumaling ang sakit ng tatay kapalit ng BOARD EXAM ko, pero hindi. Kinuha pa rin siya sa amin at bagsak pa rin ako sa board exam. Noong mga panahon na iyon, mas lalo akong nawalan ng pag-asa na papasa pa ako. Dumating din ang panahon sa buhay ko na nawalan na din ako ng pag-sa at tiwala sa sa DIYOS dahil iyong kaisa-isang bagay na hinihiling ko sa Kanya ay hindi Niya pa rin naibibigay sa akin. May mga oras na gusto ko na talagang sumuko at wakasin ang buhay ko dahil sa lungkot at kawalan ng pag-asa.

     Buti na lang at nandiyan ang aking pamilya na nagpapalakas ng aking kalooban, at siyang naging inspirasyon ko sa buhay; ang aking mga kaibigan ang mga taong patuloy na nagtitiwala, nagmamahal at buong pusong sumusuporta sa akin upang ang pangarap kong LISENSIYA ay aking makamtan– nandyan silang lahat upang palakasin ang aking kalooban na ipagpatuloy ang pangarap ko na makamit at makapasa sa board exam.

   2019— pagkatapos kong malaman na bagsak ulit ako sa BOARD EXAM, tinulungan ako ni Ma’amm Lanting na maghanap ng Review Center na malapit sa Laurel, at iyon na nga and simula ng pagbabago ng buhay ko.

    Nag-enrol ako sa DR. CARL E. BALITA REVIEW CENTER (CBRC), DALA ANG PAG-ASA AT MATINDING PANANAMPALATAYA SA DIYOS na papasa ng March 2020 sa BOARD Exam.

   December 15 2019– nagsimula akong magreview. Walang araw na hindi ako nagrereview, kahit may pasok ako sa Servite Catholic School. Pinagsabay ko ang aking pagtuturo at pagrereview. Walang araw na hindi lumilipas na hindi ako nag-aaral. 3:00am ako gumigising para mag-aral. Pagdating galing sa paaralan, mag-aaral ulit hangang 10:00pm. Maraming pagsubok ang kinaharap ko sa aking pagrereview at isa na diyan ang pagputok ng Bulkang Taal. Kahit nasa evacuation center kami, tuloy pa rin ang laban. Salamat po kay DR. CARL E. BALITA sa suporta na ibinigay niya sa akin na maipagpatuloy ko ang aking pagrereview kahit na nasa kalagitnaan kami ng matinding pagsubok dala ng pagsabog ng Bulkang Taal. Tinulungan pa niya ako na maipagpatuloy ang aking pagrereview. LIBRE ANG AMING TRANSPORTAYON AT PAGKAIN.

   Matapos ito, dumating nanaman ang isang panibagong pagsubok: ang pagkakaroon ng PANDEMYA dala ng COVID-19. Pero hindi ako sumuko, bagkos ako ay nagpasalamat sa pandemyang ating kinaharap dahil diyan, nakapagpokus ako sa aking pagrereview. Sa tulong ni Ma’am Madeilin Aure, lahat ng review sa CBRC ay aking naenrolan. Nagkaroon ng No Physical Contact Review (NPCR) ang CBRC na sobrang nakatulong para sa aming mga EAGLES na walang hangad kundi ang makamtan ang LISENSIYA NG PAGIGING ISANG GANAP NA GURO. Napakaraming programs ang ibinigay ng CBRC para sa amin na sobrang nakatulong sa akin para makamit ko ang LISENSIYA NA MATAGAL KO NANG PINAPANGARAP.

   Maraming matinding pagsubok ang dumating bago ako nakakuha ng BOARD EXAM: nandiyan and paglalagas ng aking buhok, napanot, stress, namayat, pero tuloy pa rin ako sa aking pag-aaral. Sabi ko nga, hindi bale na mamayat, mapanot, at magkandautang-utang pambayad sa review kung ang kapalit nito ay ang aking LISENSIYA.

   September 10, 2021– nagsimula na akong mag HOME QUARANTINE para sa nalalapit na exam sa September 26, ngunit nagkasakit ako. I was a victim of Covid19: nawalan ako ng panlasa, at pang-amoy. Dahil dito, hindi ako makakapagtake ng exam. Sabi ko kay LORD, “LORD JESUS, KUNG TALAGANG PARA SA AKIN ANG BOARD EXAM NA ITO ICANCEL/IPOSTPONED MO PO”. Halos 2 months din akong nagkasakit. Pagdating ng January 30, sabi ko LORD KUNG TALAGANG PARA SA AKIN ANG BOARD, INEGATIVE MO ANG RESULT NG SWABTEST KO, THANK GOD, NEGATIVE ANG RESULT KAYA TULOY ANG LABAN. Sobrang laki ng ibinagsak ng katawan ko nang dahil sa 2 years kong pagrereview. Hindi naniniwala ang proctor na ako ang nasa picture sa NOA dahil sa pagkakapayat ko. Ipinatanggal niya pa ang facemask ko para lang i-confirm na ako yun.

   January 30, 2022– sabi ko lahat ng itinuro sa akin ng CBRC gagawin ko dahil gusto ko nang pumasa, at last take ko na ito. Dumating ang point na kinukuha ng proctor ko ang TEST BOOKLET KO AT OVERTIME NA DAW AKO o LAGPAS NA SA ORAS. Hindi ko namalayan ang oras at pinag-igi ko talaga ang pagbabsa at pagsasagot sa mga tanong na kung saan ginamit ko ang CARL METHOD. PILIT KINUKUHA SA AKIN NG PROCTOR KO ANG TEST BOOKLET. 10:30 NA NANG NATAPOS KO ANG PAGSASAGOT. NASA 140 palang ako noon. laglagan ang luha ko habang ako Ay nagsheshade ng answer sheet kasi wala na akong testbooklet hanggang sa nakipagtalo ako sa proctor ko na kay tagal kong hinintay ito at 30 times na akong nag FAILED AYAW KO NANG KUMUHA PA NG EXAM. IYAKAN KAMI SA LOOB NG CLASSROOM NG MGA KASAMA KO.

Sa kabila ng mga pagsubok na ito, laking pasasalamat ko sa Panginoon at AKO AY PUMASA.

     Nalampasan ko lahat ng mga matitinding pagsubok na dumating sa buhay ko dahil sa mga taong naging bahagi ng TAGUMPAY KONG ITO. TAOS PUSO PO AKONG NAGPAPASALAMAT SA LAHAT PO NG INYONG SUPORTA.

     DR. CARL E. BALITA REVIEW CENTER, the best review center in the entire world! Salamat po sa tulong niyo sa amin; sa lahat po ng mga naging PREOFESSOR KO, SIR JANUS, MAM IAH, SIR PRINCE, MAM JOY, MAM VANESA, MAM SARAH, SIR REY, SIR ED, SIR JHODEL, MAM MADIELIN, SIR CARL, SA CARL METHOD THE BEST na kung saan nagamit ko both GEN.ED AND PROF.ED. ang dami ko pong natutunan sa inyong lahat. Kung wala po kayo, walang LPT SA NAME KO. Tunay nga na hindi sapat ang alam mo lang, kailangan marami kang dapat na matutunan. Isang taos pusong pasalamat CBRC FAMILY. Sa mga programa na ibinigay ng CBRC SA AMIN, NANDIYAN ANG OPMS na kahit anong oras pweding balik-balikan ang mga materials na naka-upload sa system. Sobrang laking tulong para mapataas mo ang ratings mo sa BOARD EXAM.

     Sa aking buong PAMILYA na walang sawang sumusuporta sa akin; sa Servite Family: teacher, sisters, sa aking mga kaibigan, sa aking mga estudyante, at mga kamag-anak na nagpray para sa aking tagumpay na makamtay ang LISENSIYA: MARAMING SALAMAT PO. SA NAGING TAGA PAGREVIEW KO ‘PAG WALA AKONG ONLINE REVIEW: Rheiben, Iglot, Kyle John, Neil, Sir Aivor, sir Cristian, Mam Ymah, Mam Noreen, Mam Renalyn, ang laking bagay na palagi po ninyo akong nirerview. Sa nagpahiram ng sasakyan, Ariel Vergara, at sa aking naging driver Kuya Tano Brotonel, maraming salamat po.

    At higit sa lahat sa ATING POONG MAYKAPAL SA PAGPAPALANG AKING NATANGGAP. ANG LAHAT NG PAPURI AT PASASALAMAT AY IBINABALIK KO PO SA INYO. TUNAY PO NA NAPAKABUTI MO OH AMING PANGINOON KAYA AKO’Y PATULOY NA NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMAT SA IYO.

   

PARA SA MGA KUKUHA NG BOARD EXAM, ang tangi ko lang na masasabi

  1. Pray Pray Pray– hingin ang gabay at pagpapala ng Poong Diyos
  2. Tiwala sa sarili
  3. Mag-aral nang mabuti dahil pangarap mo iyan na makapasa at makamit ang LISENSIYA

     SA MGA REPEATERS NA TULAD KO.. AKO 30 TIMES NA NAG FAILED, PERO KINAYA KO.. huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Alam ng DIYOS kung ano ang nasa puso at isipan niyo. Nasa inyo na ang lahat ng mga dapat niyong matutunan na ibinigay ng CRBC. Lahat ng materials na ibinigay sa inyo ng CBRC ARALIN NYO NA NANG MABUTI: LALO ANG NASA YELLOW BOOK.. ALAM NYO BA NA LAHAT NG YELLOW BOOK NG CBRC FROM 2O16 HANGGANG 3.0 DAGDAGAN MO PA NG BULLET BOOK AY NABILI KO AT NAARAL KO. SOBRANG THANKFUL AKO SA CBRC.

   83% ang average ko BOTH GEN. ED AND PROF. ED na para sa akin ay napakataas na kumpara sa mga previous ratings ko na hindi naaabot ng 70% ang pinakamataas na ay 68% last 2019. Hindi na masama sa isang tulad ko na napag iwanan ng bagong kurikulum dahil sa CBRC NAREFRESH LAHAT NG MGA PINAGARALAN KO AT MAY MGA LESSON NA SA TANANG BUHAY KO ay di ko pa napag-arala kahit noong nag-aaral ako sa college. Sobrang pasasalamat ko sa CARL E. BALITA REVIEW CENTER, dahil sa CBRC, HETO, ISA NA AKONG LICENSED PROFESSIONAL TEACHER.

     INAY at TATAY in heaven,  at sa aking buong PAMILYA, natupad ang pangarap niyo para sa akin na MAGING ISANG GANAP NA GURO. LISENSIYADO NA AKO!

ARIEL M. AQUINO, LPT, MA.Ed

6 thoughts on “I FAILED the LET 30 times! “WORK HARD FOR WHAT YOU ARE PRAYING FOR, SURELY AT THE END OF THE DAY YOU WILL REAP THE FRUIT OF YOUR HARD WORK”

  1. Hi sir, talagang Napakabuti po ng panginoon,talagang Alam nya Kung ano ang nasa puso mo,congratulations sir, mabuhay ka God bless.

  2. ❤️❤️❤️ ,nakakainspire po at nakakaiyak, ako din 12 times napo among nagtatke sa let, sad to say failed nang paulit -ulit nakakaiyak kasi ,nung gromaduate ako , nakulong din tatay ko, Sabi ko
    sa Sarili ko na kahit Hindi na ako papsa basta makalabass lang tatay ko , in God’s will nakalabas tatay ko, 2019 September gusto Kong nakapag desisyon ako na mag review sa. Cbrc kasi alam ko p pasa ako para sa March exam, pero sad to say na Hindi natuloy dahil sa covid, nag online filling ako nakapasok ako ,nakoha ko schedule ko jan.2, pero nagtanong ako sa Sarili ko na may Jan. 2 ba filling? Kasi Liwa’s new yr pa yan, kaya Eni reschedule ko, kaya d nako makapasok ulit, gusto g gusto ko po mag review sa Cbrc, kaso may work na ako d puyde Iwan, gusto ko mag online , Ewan ko Kong pano😔

  3. I love your story. It enlighten my being to think positive and pray always.

    Hoping to have those yellow book.
    Sana malibre ako ni Dr. Carl Balita

  4. wow sobrang napaiyak ako sa mga testimonies mo na inspired ako ,feel ko ang hirap mo at iyan din ang nararamdamn ko .sa ngayon kukuha ulit ako ng Board Pls includes me in your prayer Thank you sa mga na i share mo .God bless .
    LET Sept 2022 po

  5. sir, nainspire po ako sa kwento mo ,sobra po akong naka relate sa story mo about board exam po , 3 takes kupo ay puro failed lahat ,wala po akong review center nuon kasi inu una kupo ang pambili ng gamot at pambayad sa hospital bill ng tatay at nanay ko po na nag sasalitang mag labas pasok sa ospital , last exam kupo 2017 patay na tatay namin , tapos nag ka cancer naman ang kapatid ko , need ko talaga mag work para sa gamot ng aking nanay kasi cya ay na stroke , at inatake sa puso, nag chemo theraphy na ang ate ko at 92k every 2 weeks ang bayad namin sa doctors hospital sa nueva ecija , para makatulong sa kanya ako na ang nag alaga sa nanay kong na stroke at ganun din sa ate ko ,during that time dina din ako makapag self review kasi pag uwi ko galing school diretso naman ako sa tutorial center para sa aking extra income halos ang gabi ay gawin kunang araw sa pag tatrabaho para sa pagkain namin sa bahay , baon ng 2 kung anak at gamot ng nanay ko. namatay din ang kapatid kong may cancer , dumating ang board exam ng 2017 bagsak padin po ako , naisip kupo na bakit ganun kinuha na niya ang lahat ang tatay ko at ang ate ko , bagsak padin ako , lagi ko din pong hiling nun na kahit wag na akong ipasa sa board exam basta makauwi lang kami ng buhay ang tatay ko at nanay ko sa bahay . ung last sabi ko kahit kalahati ng natitirang buhay kupa sa mundo eh ibigay nalang sa nanay ko , at ate ko , pero kinuha din po sila , na diagnose din po ako sa sakit na cancer sa buto ,nawalan napo ako ng pag – asa , dinapo ako nag exam , nagtrabaho nalang po ako hanggang sa napadpad na nga po ako dito sa lalawigan ng pangasinan at naging SHS coordinator , bigla namang nag pandemic na nga po at namatay ang nanay ko dina din ako nakapag exam ,naisip kupo na wag na mag exam kasi sumasahod naman din ako , may trabaho at naging basic ed.coordinator napo , pero marami po akong naranasang problema sa school, panghuhusga at feeling kupo maliit ang tingin ng kapwa ko sa akin dahil hindi nga po ako Dr, dipadin tapos ang MaEd ko , at dirin pasado sa LET kaya ganun siguro maliit ang tingin sakin . ngayung 2022 po ay nakapag file po ako sa PRC Rosales at uma attend po ako ng mga REVIEW po ng CBRC ni sir CARL BALITA sa FB page po nila , at yung isang teacher kupo naka enroll po siya sa CBRC pag po nag rereview sila nag screenshot po cya ng mga notes at sinend niya po sakin , at sabi niya po marami ding free review at videos ang CARL BALITA at yan po ang pinapanuod ko para nadin po akong nakakapag review . by monday po pupunta nadin po ako sa CBRC Urdaneta branch para mag enroll nadin po sa review center nila , katulad ni sir Aquino dala ko din po ang tiwala na malaki ang maitutulong sa akin ng CBRC dahil napag iwanan nadin ako ng panahaon 2002 papo ako graduate , napanuod ko din po ang share Video ni sir CARL tungkol sa 3 klase ng tao sa harapan ng bundok at dun ko din tinanung ang sarili ko , alin ako sa 3 klase ng tao na yun , ngayun alam kuna kung ano ang gusto ko at pinipili ko ang pangatlong katangian ng tao sa kwento ni sir CARL . at kung ang magiging resulta padin po ng board exam ko sa sept 25, ay failed hindi padin po ako mawawalan ng pag asa , magpapatuloy padin po ako at mag titiyagang mag exam tulad ni sir Aquino hanggang sa ipagkaloob nadin po sa akin ng Panginuon ang lisensiya na pinapangarap ko sampu ng aking mga guro. maraming salamat sir Aquino sa pagbabahagi ng iyong kwento , lalong lumakas po ang loob ko na harapin ang board exam at wag mawalan ng pag asa. salamat po sir CARL BALITA sa mga videos niyo lumalakas po lalo ang loob ko na mag patuloy at , mangarap po. More Power sa CBRC !

  6. Omg supper Salute ako sayo Sir Congrats LPT ka po and Tunay lang ang Diyos ang lahat Isaiah 60:22😇😇😇😇

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *