

Tumaas ang ranko ni Dr. Carl E. Balita sa kasasagawang survey ng Pahayag National Tracker Survey nitong Marso 8-14, 2022.
Ang nasabing survey ay pinangunahan ng PUBLiCUS Asia Inc. kung saan 1500 Pilipino mula sa NCR (12%), Luzon (45.13%), Visayas (21.27%) at Mindanao (21.6%) ang nagbahagi ng kanilang boto.
Mula sa 2% na survey ratings ni Dr. Balita nitong Pebrero 2022, tumaas ito ng sampung porsyento na ngayon ay nasa 12% na. Sa kabuuan, ang datos na ito ay nagpapakita ng 600% increase sa rating ng nasabing senatorial candidate.
Napagtatandaan na nitong ika-2 ng Marso ay ginanap ang SMNI Senatorial Debate sa Okada-Manila na dinaluhan ng 11 na kumakandidato sa pagkasenado.
Nang tanungin ang kanilang adbokasiya kung sila man ay palaring maging senador, ibinida ni Dr. Balita ang kagustuhan niyang mapaunlad ang Karunungan, Kabuhayan at Kalusugan dito sa bansa.
Anim na araw matapos ang debate, patuloy na tumataas ang ranko ni Dr. Balita sa survey.
—-
Si Dr. Carl E. Balita ang kauna-unahang nurse-midwife na kumakandidatong senador sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya rin ang nag-iisang lisensyadong guro at doktor ng edukasyon sa mga kumakandidatong senador.
Si Dr. Balita ay ka-ISA ng mga micro-enterprises bilang isang Entrepinoy Guru at multiawarded social entrepreneur at media personality.
Bilang senador, itataguyod niya ang Kalusugan, Kabuhayan at Karunungan.
Indeed Sir Carl
Very well said Sir Carl Balita😇