

Pinuri at sinuportahan ni Catholic Bishop Teodoro “Ted” Bacani Jr., bishop-emeritus ng Novaliches, si Dr. Carl E. Balita matapos sagutin ni Dr. Balita ang mga katanungan patungkol sa kanyang mga adbokasiya at plano sa Pilipinas sa Catholic E-Forum ng DZRV 846.
Ayon kay Dr. Balita nitong nakaraang taon, napakaraming tao ang nanghihikayat sa kanyang tumakbo, ngunit ayaw ng kanyang pamilya sapagkat naniniwala ang mga ito na magulo ang buhay-pulitika.
Sa kabila ng pagtuligsa ng kanyang pamilya sa kanyang pagtakbo sa pulitika, patuloy pa ring sinusuportahan at pinipilit ng mga kaibigan at tagasunod si Dr. Balita.
“Humingi ako ng sign [kay God] kung dapat ba akong tumakbo at ang sign na yun ay ang pagpahayag ng aking pamilya,” ani ni Dr. Balita. Matapos ang ilang buwan nang pag-iisip, pumayag din ang kanyang pamilya kung kaya naman itinuloy ni Dr. Balita ang pagtakbo.
“[Di kalaunan] ay tumawag sa akin sila Dr. Willi Ong at Mayor Isko Moreno [para anyayahan na maging senador nila],” dagdag ni Dr. Balita.
Matapos ang sunod-sunod na tanong patungkol sa plano ni Dr. Balita sa Kalusugan, Karunungan at Kabuhayan, namangha si Bishop Bacani.
“Ako ay natutuwa at nakapakinig ako kay Dr. Carl Balita at madami na akong nababalitaan tungkol sa kanya at magaganda ang mga nababalitaan ko, pero ngayon ko lang siya narinig nang harap-harapan.
Magaganda ang aking mga narinig. Kahit na wala siyang maraming resources, ang mga kumakandidatong katulad nito ay dapat na tinutulungan na maipaalam sa buong bansa ang kanilang pagkatao, ikalawa ay yung kanilang track record at ang kanilang mga paninindigan sa mga issues.
Bilang obispo, masasabi ko na ako ay natutuwa sa lahat ng mga narinig ko. Lahat ng mga sinabi kanina ni Dr. Carl Balita, ikinatuwa ko.
Ang mga kandidatong katulad nito na isang Thomasian (nag-aral sa UST), dahil ako ay nagtuturo sa Unibersidad ng Santo Tomas, ay dapat pangalagahan ng mamamayang Pilipino.
Kahit na wala silang gaanong resources, nakikita naman ninyo, tulad ni Dr. Carl Balita, na dapat silang suportahan KAYA DAPAT SUPORTAHAN NINYO AT IKAMPANYA.
Ayun lang at masasabi ko and congratulations po, Dr. Carl Balita, for your beautiful an enlightening presentation, and especially for making us know more about what you have done and what you plan to do. Thank you,” pahayag ng obispo.
—-
Si Dr. Carl E. Balita ang kauna-unahang nurse-midwife na tumatakbo sa senado. Naniniwala siyang malaki ang epekto ng pandemya sa kalusugan ng sambayanang Pilipino lalong lalo na sa buhay ng mga frontliners kung kaya naman nais niyang isulong ang karapatan ng mga ito.