March 25, 2023

Nitong Abril 5, itinanong ng Rappler si Dr. Carl E. Balita, ang kaisa-isahang Licensed Professional Teacher (LPT) na tumatakbo sa senado, kung kinakailangan bang i-review o i-amend ang K-12.

Ayon kay Dr. Balita, kinakailangan munang malaman kung kumusta ang kompetensiya ng mga estudyanteng nagtapos sa K-12 Curicculum.

“The best element is to evaluate the product which is the competencies of the graduates: in the world of work or in college. Kumusta ang naging performance nila?” ani Dr. Balita.

Pahayag ni Dr. Balita na kailangan ng mga ebidensiya bago magdesisyon kung tagumpay ba ang bagong curriculum o hindi.

“We need some empirical data on how our graduates performed in college, in employment, in entrepreneurship, and of course, in its development. Ayaw nating isipin na ang K-12 ay nagdagdag lang ng two years sa ating basic education,” dagdag pa niya.

Ang K-12 ay nagsimulang iimplementa ng Departamento ng Edukasyon noong School Year 2012-2013. Layon nito na mapaunlad ang quality ng PH Education System at makipagsabayan ang mga graduates nito sa mundo. Sa kasalukuyan, 10 taon na itong ginagamit sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published.