September 27, 2023
A special post for a very special celebrant.
 
Dr. Carl Balita is a public figure in the review industry but a very private person before his candidacy. As a former student, and now a part of CBRC family, I want to share this appreciation post for his birthday.
(May unforgettable moments ka rin ba with him? Ishare na yan. 😊)
 
Please take time to read the caption of each pic.

1. 1st Meeting

Eto yung 1st time ko mameet si Sir Carl after topping the board exam. Mega fangirling ako nung time na yun. Haha
Tinreat nya kami sa isang dinner na never ako nakakain ng maayos kasi di ako sanay kumain na andaming ulam. Hahaha. Dito rin nya ako inofferan na magwork sa CBRC Headquarters as a lecturer and researcher. The rest is history.

2. Public speaking baptism

The very reason kung bakit di na ako kabado magspeak sa crowd ay dahil sa baptism na ginawa sakin ni Sir Carl. Pinaspeech nya ako on the spot sa harap ng approx. 3000 crowd na ang usapan ay tatayo at kakaway lang ako sa kanila. Haha. Salamat po sa pagtitiwala niyo sakin na kaya ko, na kaya namin. Patuloy naming kakayanin para sa mga nangangarap pa magkaroon ng lisensya at maayos na buhay.

3. Overseas Trips

Everytime may out of the country trips kami, we travel as a family. Lagi kaming may shopping allowance from Sir Carl kasi alam nyang panay convert na naman kami at ending, wala kaming nabibili hahaha
Can’t forget yung nawili kami ni Sir Janus mamasyal at kailangan na pala magcheck out so si Sir ang nag-empake ng gamit naming dalawa kasi mega gala pa kami sa mall. 🙈
Salamat sa mga spontaneous life coaching sessions habang nasa byahe na bumago sa mga pananaw namin sa buhay.

4. Passion + Purpose

Nung unang season ko sa pagrereview, madami akong imperfections. Salamat sa pagturo sakin ng mantra mo na there are no mistakes, just lessons. Dati pangarap ko lang maging guro. Pero ginawa mo akong guro ng mga nangangarap na maging guro. On top of that, we are living the life of our dreams. Salamat sa pagreremind sa amin palagi na being a reviewer is not just our profession. It’s our purpose.

5. Beyond the review

Your decision to run for senatorial position na siguro ang biggest plot twist ng 2021 sa amin. Nasanay kami sa visionary leadership mo for the company. Pero aware kami how good your heart is, how capable you are, and how great you are as a leader. We can’t wait to share you with the country. Alam naming magiging boses at utak ka ng marami. Alam naming magsisilbi ka, not as a politician, but as a public servant.

6. Dreams and dreamers

Ako noon, ikaw naman ngayon.
Salamat sa pagturo saming mangarap at sa pagtulong na maabot ang aming mga pangarap. Ngayong ikaw naman ang nangangarap para sa bayan, kasama mo po kaming lahat na nagmamahal sayo. Ihahatid ka namin sa Senado.

3 thoughts on “Memory Lane: 6 unforgettable moments with Dr. Carl Balita

  1. I learn a lot of him, tulad ng akala mo galit nung first time na nakita ko sa FC po namin sa Roxas but Hindi cause he want us to Learn to be good Professional Teacher and i saw to Sir Carl yung kanyang kabaitan sa mga Tao patas ang treatment po ni Sir Carl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *