

Sa panayam ni Tito Boy Abunda kasama ang senatorial aspirant na si Dr. Carl E. Balita ay itinanong nito kung naaapektuhan ba ng mga survey na inilalabas ng iba’t ibang kumpanya at mga tao ang pag-iisip ng mga tao.
“Yes, Tito Boy. There are such things as bandwagon effect, cognitive biases and confirmation bias at work in surveys, especially surveys that are not regulated and not scientific,” ani Dr. Balita.
Pahayag ni Dr. Balita na ang mga kumpanya at grupo na magsasagawa ng survey ay dapat maging transparent sa kanilang patakaran ng pagsasagawa ng survey. May mga ethics din dapat na sinusunod ang mga ito.
“By the way, I am teaching research in a graduate school and I know exactly what ethical researches are such as the rules that would apply.”
“I really believe [surveys] could create bandwagon effect,” ayon kay Dr. Balita.