October 3, 2023

Sa naganap na one-on-one talk nila Tito Boy Abunda at Dr. Carl E. Balita ay itinanong ng nauna ang nahuli kung ano ang nais nito para sa bansa: federalism o unitary form of government?

“Federalism is ideal in the Philippine setting,” ani Dr. Balita.

Dagdag niya pa ay mayroon na tayong magandang halimbawa dito sa Pilipinas—ang Bangsamoro Organic Law, na sa kanyang pananaw ay “working well”.

“It is a good model and rehearsal to what could be a federalism applied in the entire country.”

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa unitary form of government. Tinatawag din itong “centralized” government kung saan kung ano ang sinabi ng nasa itaas, susundin ito ng buong bansa.

Samatala, ang federalism form of government ay nagbibigay ng awtoridad sa bawat state o region na magdesisyon sa kung anu-ano ang nararapat na batas sa lugar nila labas sa batas ng ibang rehiyon.

“However, this shared rule and the self-rule should be defined well so that we will not totally adopt what other countries are doing, but we should create a covenant in a very unique way that is ours,” pahayag ni Dr. Balta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *