

Tinalakay ang mga isyung panlipunan sa one-on-one na panayam ni Tito Boy Abunda kasama ang senatorial aspirant na si Dr. Carl E. Balita.
Nang itinanong ni Tito Boy si Dr. Balita kung payag ba siyang gawing legal ang divorce sa Pilipinas, ang naging tugon ng senatorial aspirant ay “yes in the extreme [situation] especially in the relationships where the children are already suffering.”
Nabanggit din ni Dr. Balita na ang Pilipinas ay may annulment ngunit napakamahal nito kung kaya naman kailangan nating iexplore ang ibang paraan sa sa paghihiwalay ng mga mag-asawang may toxic relationship.
“To let the person free and to [protect] the children from the damages that the marriage relationship gives,” dagdag pa ni Dr. Balita.
Napag-aalaman na ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa buong mundo na illegal ang divorce (ang isa ay ang Vatican City).