October 3, 2023

Mula sa kanyang “political fast talk” kasama si Tito Boy Abunda, “Yes” ang sagot ni Dr. Carl E. Balita tungkol sa paggawa ng “Department of OFWs.”

Ayon sa kandidato, 10% ng populasyon ng bansa ay mga overseas Filipino workers o OFWs.

Ang paggawa ng naturang kagawaran ay nagmumula sa dami ng hinaharap na pagsubok at pangangailangan ng OFWs na kailangang aksyunan ng gobynerno. Kasama na dito ang mga tugunin ng kanilang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas, tulad ng overseas employment fees.

Dagdag niya, ang nasabing kagawaran ay para rin masigurado ang kaligtasan ng OFWs sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan at magkaroon sila ng “reintegration” kung sakaling bumalik sila sa bansa.

Paliwanag ni Dr. Balita, “…so their kabayanihan will continue kahit nakabalik na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *