September 29, 2023

Isang mabilis na “Yes” ang tugon ni Dr. Carl E. Balita tungkol sa isyu ng nuclear energy sa kanyang “political fast talk” kasama si Tito Boy Abunda.

Bagamat sang-ayon ang kandidato sa nasabing alternatibong enerhiya, ito lamang ay kung masusundan ba ng bansa ang kasalukuyang global standards at mga pag-aaral sa agham.

Ang naturang pagsunod sa global standards ay upang maresolba ang mga kritisismong nakapaligid sa isyu ng nuclear energy.

Binigyang diin ni Dr. Balita na dapat makabago ang  gagamiting imprastraktura at technolohiya, hindi tulad ng naipatayong nuclear power plant sa Bataan.

Kung maisasakatuparan man, mabibigyan ng alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya ang mga Pilipino na maaaring magpamura sa presyo ng kuryente.

1 thought on “Dr. Carl Balita, sang-ayon sa nuclear energy kung susunod sa global standards

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *